"Hinog na ba ulit ang Pilipinas?"

Usapang seryoso ito, pero ‘wag kang mag-alala—hindi ito udyok-gulo. Gusto ko lang ibahagi ang nakikita ko. Para sa kapayapaan, hindi para sa rebolusyon.

Joel Inocencio

5/21/202612 min read

Hindi man ito usaping pangkabuhayan, mahalaga na maintindihan natin ang nakaraan at sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Hindi ito prediction kundi obserbasyon. At masasabi ko na kahit anong pandaraya ang gagawin nila, panalo pa rin ang taong-bayan.

Bakit ko nasabi yan?

Basa-basa lang pag may time upang malaman niyo kung bakit.

Malamang na isa ka sa mga naiinis at nagagalit dahil sa mga kaganapan sa Pilipinas.

So relax lang at nang maintindihan mong papalapit na ang mga araw na pagdurusahan nila ang kanilang kalokohan.

Ika nga sa kanta: "The Day of the Reckoning" and Nothing can stop what's coming!!!

Sobra naman na talaga ang panloloko nila.

Isipin mo na lang: Pina-kidnap nila ang taong nag-sakripisyo para sa bayan. Ang tanging pulitiko na tunay na nagmahal at minahal ng taong-bayan dahil sa kanyang sakripisyo at proteksyon. Matapos magsilbi ay itinakwil sa ibang bansa para makulong sa ICC.

Kasalukuyang nakalugmok sa malamig na selda sa ibang bansa. Isipin mo yan!

Shiyet. Ako? Kahit ngayon ay hindi makapaniwala. Kaya nga hindi ko kayang pumunta at dumalaw doon dahil mas gugustuhin ko pang maalala yong masasayang araw ng kanyang liderato.

Napaka-walang-hiya. Walang kunsiyensiya.

Itong pinagpipilitan nilang "unconstitutional impeachment" laban sa Vice Pres. matapos ipakidnap at ipakulong sa ibang bansa ang kanyang tatay na dating presidente.

At ito ay matapos niyang suportahan ang kandidatura at natulungang ipanalo ang pag-ka-presidente.

Grabe! Bilib ako sa laki ng pasensiya ni Inday Sara. Pati asawa niya't mga kapatid, pinagtutulungang pahirapan.

Asan ang hustisya?

Ang Kongreso nagkakabayaran para pagtulungang tuligsain, pahirapan, akusahan ang VP Presidente na binoto ng taong-bayan.

Ang Ombudsman na nambubully. Ang NBI na obviously weaponized para harassin ang oposisyon.

Ang DOJ na nananakot sa mga tumulong sa Senator na nais nilang arestuhin. Ang banta ng Martial Law. Ang pag-control nila sa COMELEC para sa computerized counting, alam na dis kung ano ang magiging epekto nito sa darating na eleksiyon. Kung magkakaroon pa ng susunod na eleksiyon.

Dahil ngayon may plano daw ang mga mandurugas para itulak ang Cha-Cha plans. Hindi ako may sabi niyan. pakinggan niyo mamaya kay ateng Imee.

Kaya naman putcha, bongga ka day! Yan ba nama'y hindi tataas ang kilay.

Pati Senado, binubully ng coup threats. Si Senate President Cayetano, si Bong Go, lahat ng mga kaalyado nila—dinadaan sa pananakot na kesyo kakasuhan.

Umuugong ang suhulan para lumipat ng partido. Pinaglalaruan ang pera ng mga taxpayer habang ang mamamayan ay hindi alam kung saan kukunin ang susunod na pambayad ng kuryente para hindi maputulan ng ilaw.

Susmaryosep! Sobra na.

Ang mga kawatan, ang kakapal ng mukha, kahit may ebidensiya nang pinakita ang mga dawit na nag-cho-choo sa mga mastermind na nagpuslit ng male-maletang pera in broad daylight, gamit ang mga taxpayer paid security details ay todo deny pa rin.

Ngayon dinadaan sa kung ano-anong sarsuwela para ma-divert ang flood control investigation kung hindi man nila mapigilan.

Mga walang kunsiyensiya. Ang mamamayan lubog sa baha tuwing umuulan. Wala na ngang pambili ng bigas pahirapan pa sa init ng panahon dahil hindi na kayang magbayad ng kuryente pang-electric fan.

Nagtuturuan ang mga klepto. Kanya-kanyang cover-up. Kaya tuloy yong iba na karma na at tinangay na ng kawit ni kamatayan. Sus, kailan pa kaya yong iba? Sana ol.

Sobrang garapalan.

Nakakaawa ang mga Pilipino.

Kampante ngayon ang mga elitistang kawatan dahil mabibigat ang mga baraha nila.

Kalahati ng Senado nasa kanila, konting kembot na lang daw (ibig bang sabihin ay bulto-bultong pera at pananakot. Ganyang klaseng kembot yata ibig sabihin nila).

Kontrolado rin nila ang karamihan ng mainstream media, at ‘yung mga kakampinks na sobrang brainwashed na—parang Pinoy version ng Antifa. Mga well-funded trolls ang mga few-tah!

At si Dayunyor?

Malamang ay nasa playbook na niya ang Martial Law.

After nun, malamang itutulak ang Cha-Cha. Pwedeng walang Martial Law, pero itutuloy pa rin ang Cha-Cha.

Pero, wait lang, dahil heto ang hindi nila masyadong pinag-uusapan—maaring randam na nila at medyo natatakot sila pero hindi nila masiguro kaya siguro itong dalawang bubwit sa Senado na kesyo nasa gitna daw sila pero ang totoo nandoon sa side ng minority ang boto nila.

Mga duwakang POS. Takot yata sila na baka darating ang araw ay bumaliktad ang powers, so kunwari ay neutral sila.

Hanep sa drama, di ba? Ang bottom line niyan, ay mooney, mooney. Magkanong lagayan? If the price is raaayyyttt. Tandaan niyo yan. Pandidirian kayo ng madlang pipol samday.

So malamang randam nila pero sige pa rin sila dahil baka nga naman makarami ng ipon bago sibat sa labas. Kaya tuloy naglabas sila ng survey na kunwari’y kuntento ang taumbayan.

Alam na natin ‘yun. Propaganda lang ‘yun gamit ang media. ‘Di na tayo naaano.

Ok, balikan natin itong dalawang bubwit sa Senado. Medyo mahina ang intel gets nila kaya hindi sila makasiguro.

We'll tutulungan natin silang makaintindi, baka sakaling mabasa nila ito. Kumbaga, saving grace nila. Kahit may lamat na ang tiwala sa kanila.

Ok, moving along. Medyo napahaba ang litanya doon dahil nakaka-inis kasi. Dito na tayo sa upcoming karma.

Alam mo ba?

Kahit sobrang haba ng pasensya ng Pinoy, matindi rin pag gutom at galit ay mag-pang-abot.

Sa mga nakaka-alala ng 1986—alam kong ramdam na ramdam nila na hinog na hinog na ang sitwasyon.

Bahagya na lang. Maliit na udyok, hinding-hindi na mapipigilan ang arangkada ng mamamayan.

At ‘di nila ‘yan kakayanin.

Dahil sa panggago nila sa bayan—‘yung mga politicians, oligarchs na nakaupo—matatabunan sila ng galit ng taumbayan.

Lilinawin ko lang ha?

Hindi ito panawagan para mag-alsa. Hindi ako nang-iincite ng sedition.

Gusto ko lang e-share ang pagkakaintindi ko sa totoong nanggyayari—gaya ng isang kaibigan na nakatitig sa malayo at sinasabi: “Uy, baka may darating na bagyo.”

Dahil mas gugustuhin kong mapag-aralan nila ang sitwasyon, baka sakaling magbago ang puso't isipan nila't magising sa katotohanan na some shit has to end, at itigil na ang panggagago sa mga Pilipino.

‘Yun lang naman.

Sa totoo lang, yong nangyaring palitan ng liderato sa Senado. That was, in my opinion, saving grace part one.

Bakit kamo?

Dahil kung natuloy ang pag-sampa nong impeachment sa Senado at sa liderato ni Sotto, siguradong sarado, kandado, pirmado na ang impeachment, at game-over na para sa kanila.

Burado na ang Presidential Candidacy ni Inday Sara.

Yan naman talaga ang goal nila.

Ang problema, kung hindi sumipot si Super Bato, or kung napusasan siya ng NBI at hindi nakaboto, malamang ay natuloy ang victory party nila.

Dahil noong naipasa sa Kongreso, alam naman nating lahat na sa Senado na ang sunod. At tiyak na mabilis pa sa alas-kuwatro ang proceedings nila.

Mabuti na lang at mabilis ang kampo ng mga Constitutional Champions—‘yan ang tawag ko sa grupo ni Senator Cayetano.

At of course coincidentally, nag-show up nga si Super Bato, parang unstoppable bowling ball na rumaragasa sa Senate plenary hall. Ang kintab nga ulo. Shining like a bright light.

Because of that, coincidentally, by chance, God's providence, napalitan ang liderato.

Ngayon, yong tutok nila na pag i-impeach kay VP Sara ay medyo alintana muna. Sabi nga ni Sen. Cayetano, wait lang, may proseso yan!

Si Captain Marco-leta naman, ansabi-- ISTAP! Maghunos dili kayo. Tingnan muna natin ang ebidens ninyo.

At least, hindi na nila madadaan sa shortcut ang impeachment. Sana lang walang lumipat sa kasalukuyang 13.

Ang totoo niyan, kung hindi nagwagi sa Senate race to the plenary si Senator Bato at naituloy nila ang kanilang malagim na balak na impeachment, malamang ay madugo na ang sumunod na pangyayari.

Bakit, eh dahil galit na nga ang mga taong-bayan. Ang kulit mo. Huwag ka ngang ano!

Kaya ko sinabing saving grace ang pag-kakapalit ng liderato sa Senado.

Pero wait lang. May kasabihan sa Mindanao. "Basta Taga-Davao, Brayt!"

Alam niyo ba kung sino ang bagong leader ng PDP laban?

So na-underestimate nila na meron pa palang dalawang card left, although weaker card, may asim pa rin dahil suportado ng majority ng taong-bayan.

Bakit? Eh galit na nga ang taong-bayan.

Tandaan niyo, ang qualified age to run for President sa Pilipinas is at least 40 years old at the time of election.

Si Mayor Baste, who is the current President ng PDP laban will turn 40 in 2027?

Meaning he is well qualified for the May 2028 National election. Then there's Congressman Pulong.

Kaya, kahit ma-impeach man nila si VP Sara, there are still Duterte cards left. Capice!

Basta Taga Dabaw gani, Brayt Gyud! Ikaw na la'y mag-ako.

Kaya lahat sila ay umiikot ang tumbong sa takot?

Of course, alam nila gaano kasama ang nagawa nilang kasalanan kay Inday Sara, kay fPRRD at sa buong bayan.

At alam din nila na sure win si VP Sara sa 2028 kung hindi siya ma-impeach. Kahit si Senator Frank Drilon, aminado na ‘yan.

Kapag naging Presidente si VP Sara, alam nila na maghihiganti siya—dahil sa ginawa nila kay fPRRD at sa pamilya Duterte. Sino kaya ang hindi maghihiganti. Kahit siguro ako ay santo, mapap-pesteng yawa ninyo.

Kahit hindi man personal na manggagaling kay Inday Sara ang resbak, siguradong ang mga Pilipino ang mismong mananawagang parusahan sila.

Parang yong ginawa ng liberal Democrats kay Donald Trump bago siya manalo ulit. Suwerte nila, sa US, dinadaan nila sa totong due process kahit gaano ka-obvious ang crime. So slow and painful process ang resbakan ni Trump—slow and graceful torture kumbaga.

Sa Pinas? Oh, boi! Ang Pinoy matinding magtanim ng galit. Matagal maghilom ang sugat sa puso. Kaya, you'll never know what will happen to these pipol.

So ‘yun ang totoong sitwasyon. Alam nila. Kaya kahit labag sa Konstitusyon, ginagawa nila lahat. Let's just say, in my opinion, they committed a grave mistake sa pagpapakidnap kay fPRRD. It's irreversible. Dahil ang ICC, parang buwaya yan. Oras na sinagpang ang biktima, hindi na bibitawan yarn.

Matindi ang galit nila kay Taty Digs dahil binulabog niya ang drug cartel business ng deepstate sa Asia network. They hate everyone who goes after sa kanilang mga tulak at merchandise. Kaya nga umuusok ang galit nila kay Trump dahil yon ang unang tinarget ni Trump, illegal drugs and human trafficking. Mahabang kuwentuhan yan. Abutin ng magdamagan at isang kahang beer.

Wala na tayong hilig sa magdamagang inuman dahil "damatans" na tayo.

Para sa akin lang may iisang pag-asa para ma-release si fPRRD pero kinakailangan ng collective effort para makuha ang suporta ni Trump, Xi, at Putin. Mga dabarkads yan ni Tatay Digs. Collectively, kaya nilang gulatin ang mga mokong sa ICC. May epektibong paraan para makuha ang pansin ni DJT. Alam ko saan ang tambayan niya araw-araw. Meron siyang sariling Social Media, yong Truth Social. Everyday, nakatutok yan, o yong kanyang social media staff.

Kaya pag-nagpapansin ang Pinoy doon, say mga 50K ang biglang nag-sign up, magugulat ang staff at magtatanong si Trump, what the hell is going on with my Filipino friends?

Why, all of a sudden they are hanging out here in our Social Media?

I've never seen them before. What are they talkiing about?

Do they need anything from me? See, that's how easy it is. Dahil ang Truth Social is building their presence online, and they're checking their stats. That's the best way to get his attention.

Ok, let's go to some breaking expose'.

‘Yung bombshell ni Senator Imee.

Habang sinusulat ko ‘to, may lumabas na expose si Imee Marcos tungkol sa Con-Ass at bayaran ng pera. Ito na si Ferdie 2.0. Kaya mukhang self-destruction itong gagawin nila.

Panoorin natin.

Kapag natuloy ‘yan, at hindi nag-alsa ang taong-bayan, goodbye democracy.

Magiging parang Cuba ang Pilipinas.

Pero heto ang ayaw nilang pag-usapan—at akin lang ‘to, ha?

Personal analysis ko. Diyan sila nagkakamali. May malakas na cards ang mga Duterte. KJC, INC, JIL prayer group. Sa mga prayer warrior side palang yan. Maintindihan niyo lalo kapag ipapakilala ko sa inyo ang armed warriors.

Puwede n’yo akong sabihang mali. Okay lang. Pero ang concern ko: kung hindi nila ‘to maintindihan, magkakaroon tayo ng napakalaking problema.

Pinakamalakas na political storm sa kasaysayan ng Pilipinas ay mangyayari.

Ito yong 1986 2.0. Hopefully, hindi madugo.

Pero sa galit ng mga Pilipino, fohgetaboutit! Napakalaking gulo niyan. Kaya I'm praying na huwag naman sanang dumating sa puntong rebolusyon.

Pakinggan n’yo si Imee. Walang reservation ang akusasyon niya. Next level warning ‘yan—siguradong-sigurado siya.

Hindi haka-haka. Sinabi niyang maraming nakakaalam ng planong NOEL: No Election via Con-Ass. At galit ang mga Pinoy sa Term Extension. Paranoid na ang Pinoy dahil sa nangyari noon kay Apo Lakay. Imee knows that because she witnessed everything.

And this time around, wala ng susundo sa pamilya nila papuntang Hawaii. Baka hanggang Mendiola na lang then kankungan. Think Ghadafi and Saddam Hussein, dahil walang sumundo, hindi na sila nakadalaw ng Hawaii, diba?

So ano itong Con-Ass na pinagsasabi ni Ateng?
Iba ito sa Con-Con.
Ang Con-Ass ay hindi chicken ass. Ibig sabihin, ang Kongreso mismo ang magpo-propose at magboboto para sa pagbabago sa Konstitusyon.
At may majority na sila. Kaya swak ang panalo.
Ayon kay Imee, nakalatag na ang Cha-Cha sa agenda nila.
Imagine: 20 million pesos daw ang kapalit ng isang boto at may 250 million pang constituency funding na malamang ala flood control with maleta kick-backs.
Deyymmm. Ang milyon parang numumulot lang ng bato ang mga kolokoy, samantalang ang mga mahihirap, sinasabing kasya na raw ang 64 pesos sa isang araw para sa pagkain. Ito ang sabi ni NEDA chief Balisacan: “Yung gumagastos ng less than 64 pesos a day ay food poor.” Ibig niyang sabihin, kapag ang pang-araw-araw na budget sa pagkain ay umabot sa 64 Php, okay na. Waw! Kelerki! Isa pang hunghang. Animal!Kelerki! Isa pang hunghang. Animal!
Lokohan na lang, ‘di ba?

Sa palagay ko, ito yung warning ni Ate kay Ading. Don't FAFO dahil this time hindi ka sa Hawaii pupulutin. Ok lang sana kung sa Europe dahil marami pa siyang ka-chokaran doon.

Sa tingin ko, si Imee ay nagbibigay ng serious warning kay BBM—parang ate na nagsasabi: “Hoy, huwag kang tanga. Galit ang mga tao. Mauulit ang 1986 kung itutuloy mo ‘yang masamang plano.”

Kasi kung naaalala n’yo: nagkaroon ng People Power noong 1986 matapos ang snap election.

Hindi naniwala ang mga Pilipino sa pandaraya. May mga bulung-bulungang nagsasabing lulusubin ang palasyo. Kaya ang US CIA, inilipad si Marcos papuntang Hawaii.

Si Marcos ay presidente mula 1965. Nag-declare ng Martial Law noong 1972—madilim na panahon ang pinagdaanan ng mga Pinoy, kaya ang lalim ng sugat.

Bata pa ako noon, pero ramdam ko ang takot kahit Ilokano pa ang tatay ko.

Noong 1983, umuwi si Ninoy Aquino galing US para hamunin si Marcos. August 1983, nabaril siya sa tarmac.

Doon nagsimula ang pagbagsak ni Marcos—dahil nakialam na ang US.

1985, sa pressure ng taumbayan at US-backed media, napilitan si Marcos na mag-declare ng snap election. Si Cory Aquino ang itinulak—walang political background, dahil asawa ni Ninoy at kauna-unahang babaeng tumakbong Presidente. Pakirandam ng mga Pinoy, parang nanay siya, kaya ambigat ng suporta.

Dapat si Doy Laurel ang tatakbo pero sabi ng mga kaalyadong partido, mas may asim si Cory, kaya yon.

Tumakbo, tinalo, nadaya.

45 days lang ang kampanya.

Siyempre, dahil sa galit ng tao, nanalo si Cory sa puso ng bayan. Pero si Marcos ang dineklarang panalo ng COMELEC.

Ang ingay non'. Sigaw ng masa. Nadaya ni Ka Ferdie. Andami ng sumawsaw sa isyu. Ang international media walang tigil ang putak.

Hanggang sa nag-walkout ang 35 computer programmers ng COMELEC.

Pati CBCP ay nakisawsaw na sa political issue. Ika nga kalimutan muna natin ang separation ng religion and state. Survival of the loudest ito.

Unang nag-ingay sa interview si Vidal.

Then sinundan ng suporta at panawagan si Cardinal Sin sa Radyo Veritas.

Nag-mobilized ng kilos protesta at pinag-ipon ang tao sa EDSA.

Isipin mo, radyo lang na hindi pa nakaka-pag-broadcast sa Visayas at Mindanao pero nayanig ang palasyo at kumaripas ng takbo, este lipad pala.

So nong nangyari ang EDSA revolution, wala pang Facebook, YouTube, X, Instagram, TikTok. Wala ring cellphone. So isipin mo walang chat-group, walang PM, walang livestream, walang e-mail. Wala.

Kadalasan bulung-bulungan lang sa pitong gatang.

Di katulad sa digital age ngayon

Isipin mo: Andami ng livestreamers, reelers, content creators, mga pranksters sa Facebook, YouTubers, TikTokers, X. Halos lahat, bata man o matanda, may cellphone. May Telegram na instant ang messaging. WhatsApp, Signal. May AI pa, pota. Paano na lang?

Paano nila mapipigilan ang pagkakaisa? Ang pag-mobilize? Ang viral spread—segundo lang. Milyon ang maa-alarma.

23 million solid supporters? Plus ang mga disenfranchised na biktima ng baha, ang mga biktima ng drug addict. Yong mga pasmado sa gutom. Ang galit ng mahihirap mas mahirap pang pigilin kesa sa bagyo?

Kaya, isip-isip din pag may time kayong nasa Kongreso dahil when shit hits the fan, ewan ko na lang.

Kung gagawa sila ng stupid move—ang tawag dito sa US ay FAFO: Fu Around and Find Out.

I-gogell niyo.

So, papaano nilang haharapin ang galit ng taong-bayan? Hindi nila kakayanin. Kahit gaano pa karami ang pera nila.

Hindi ito pananakot. Realistic scenario lang.

  • Milyong OFW

  • Milyong mahihirap na Pilipino

  • Libu-libo sa military—active, reservist, retired

Kahit tipunin nila ang PNP at active military, outnumbered sila.

This is not an assumption. This is my assertion. And I hardly fail in my analysis.

Sa totoo lang, mataas ang batting average ko sa predictions. Na-predict ko si fPRRD. Na-predict ko si Trump first term. Na-predict ko noong niloko siya, at na-predict ko ang landslide win niya sa second term. Hindi ako hula-hula. Observation at data analysis.

At may tatlong grupo pa na mas solid, mas loyal, hindi kailanman tatalikod—with mathematical guarantee:

  1. Milyong Indigenous Pilipino sa Mindanao

  2. Malalakas na grupo ng IP sa Luzon (hindi ako masyadong familiar)

  3. Ang BangsaMoro at karamihan ng Muslim sa buong bansa

Ang mga ‘to—bubunot ng baril para kay Senator Robin Padilla, para kay VP Sara, para kay fPRRD.

These people are locked and loaded, ready, willing, and able without hesitation. They'll bite any bullet for Madam Sara, believe you me.

Kaya sa totoo lang, ang mga nasa kapangyarihan—cornered na sila.

So imbes na ang buong pamilya na noon ay nakalipad papuntang mala-paraisong Hawaii, ngayon ay baka kahit sa Ilocos ay mahihirapan silang bumiyahe.

Although mas maganda namang di hamak ang Pagudpud kesa sa Hawaii, kaya oks lang siguro sila doon. Ang Kongress, Senado at mga nagnakaw na opisyal, pati militar, lalong lalo na si Trillanes. Baka kakailanganin nilang manghiram ng mukha ng aso sa Malaysia para irrecognizable na sila.

Hehehe joke lang. Pero, sa totoo lang galit na talaga ang mga tao. Ramdam ko lang kahit nandito ako sa malayo.

So, pinapaalala ko lang ang kuwento ng pagbagsak ng diktador. Kung ayaw niyong maulit, gawin niyo ang tama. Kung ayaw niyo, eh di huwag niyo!

Ang maipapayo ko lang

Ay sundin ang payo ni Ka Freddie da singer Aguilar; "Magbago ka" ng di' ka magsisi sa huli.

Hindi dahil mahina kayo—kundi dahil ito ang tama.

Tigilan na ang pangungurakot. Tigilan niyo na ang paninira sa hindi niyo kaalyado. Iisang dugo, iisang bayan. Tumigil na sa pagsuporta sa mali. Pumanig sa katotohanan. Ligtas kayo doon.

Pag pumanig kayo sa pera, sa daya, sa korapsyon ngayon—you're on the wrong side of history.

DO NOT FAFO.

Hindi ‘yan pananakot. Yong slogan na "Never Again", fair warning yan.

Pangako ko sa inyo

Umaasa ako at nananalangin na gawin n’yo ang tama. Tigilan na ang panggagago sa mga Pilipino.

Ang gusto lang naman ng mga Pilipino ay kapayapaan, katatagan, at maayos na buhay. Matagal na silang naghihintay.

Ang Pilipinas, dakilang bansa. Ang Pilipino, dakilang tao. Karapat-dapat niyong tratuhin nang may dangal at respeto.

Umaasa ako at nananalangin para sa kapayapaan—hindi sa rebolusyon.

Gawin n’yo ang tama. Please.